Nagtatawanan tayong lumabas

Mula sa isang pelikulang pinalabas

Diretso tayo sa kainan

Na matagal nating pinag-isipan

 

Inorder mo ang paborito

At ako nama’y hinintay ang pagbalik mo

Tinititigan ka mula sa malayo

Napapangiti na lamang ako

Sa tuwing maaalala ito

 

Ilan lamang iyan

Sa mga alalaalang binabalik-balikan

Nais ko kasi alalahanin

Ang mga pinagsamahan natin

 

Dahil handa na akong bumitaw

Sa ideya ng ako at ikaw

Dahil ilang taon na ang lumipas

Simula nang pag-ibig ay kumupas

 

Ngunit hindi ko magawang bitawan

Mga alaala at ang namatay na pagmamahalan

Hanggang kalian ko kaya dadamhin

Itong kumikirot sa aking damdamin

 

Makahanap man ng mabisang paraan

Upang ikaw ay makalimutan

Mas pipiliin ko pa rin

Na ikaw ay mahalin

 

Dahil sa maraming taon

Na pag-ibig sa’yo inilaan

Hindi ko pinagsisihan

Kung ano sa atin ay namagitan

Advertisements