May dalawang emosyon lang naman akong ayaw maramdaman

Iyon ay kapag nagseselos at kapag nasasaktan

Dahil itong dalawang emosyon kapag iyong pinagsama

Matinding sakit sa puso ang makukuha

 

Hindi ko naman kasi talaga akalain

Na matatapos ang araw at maiiba ang ihip ng hangin

Akala ko tayo ang may happy ending

May kwento ka pa palang heartbreaking

 

Pinilit kong itago ito sa likod ng mga ngiti

Nais ko munang i-pause ang bawat sandali

Gusto ko sanang sabihin ng direkta sa iyo

“Hoy tama na! Nasasaktan na ako!”

 

Ngunit alam ko naman ang papel sa buhay mo

Di hamak na isang matalik na kaibigan lang ako

Ang lahat ng hinanakit na tungkol sa iyo

Tanging hangin na lamang ang makakarinig nito

 

Kahit anong pilit kong itago ang nararamdaman

Darating ang araw na kailangan mong malaman

Sa lahat ng ating mga pinagdaanan

Lihim na pag-ibig ay kita’y inaalayan

Advertisements