Kailan kaya yung oras na ako naman?

Yung ako naman yung hindi mo iiwan

Yung ako naman yung iyong ipaglalaban

Yung ako naman yung may karapatan

 

Kailan kaya pwede yung tayo?

Yung pwede  ipakita sa lahat ng tao

Yung pwede sabihin sa kahit sino

Yung pwede na ipagsigawan sa mundo

 

Kaya mo na kaya akong ipagmalaki?

Ako lang naman ay nagbabakasakali

Umaasa na darating ang pagkakataon

Sa pag-iibigan na natin ikaw ay nakatuon

 

Ako pa rin ba?

Ang nagpapakaba sa iyo sa t’wina?

Ang dahilan ng ngiti sa mukha

Sa sobrang saya ay maluluha

 

Sagutin mo naman ang mga tanong

Mga linya ng tulang may tandang pananong

Dahil kailangan kong malaman

Kung kaya mo ba talaga akong ipaglaban

Advertisements