Sana alam mo kung gaano kasakit

Ang pakiramdam na ipagpalit

Sa isang taong pinagseselosan ko

Na noon sabi mo ay wala lang sa’yo

 

Sana alam mo na hindi madali

Dahil sa tuwing naiisip ko ang mga sandali

Na sinabi mong mahal mo ako

Siya na pala ang tinutukoy mo

 

Paano ba kita lilimutin

Sakit ay hindi na kayang damhin

Hayaan mo akong ikaw ay bitawan

At sa pagiging tapat kita’y tuturuan

 

Ngayong gabi ako ay susulat

“Gising” ang magiging pamagat

Para naman malaman ng lahat

Na ako’y nakabangon na’t mulatalarm_clock_seo

Advertisements