Tanging tunog ng orasan

Ang aking napakikinggan

Ano nanaman kayang dapat maramdaman

Baka may tula na namang maisipan

 

Pero ngayon ikaw lang ang nais kong isulat

Iguguhit ang mga mata mong hindi pa dilat

Ang tawa mo ang gagawin kong musika

Ikaw ang aking magiging obra maestra

 

Pinagmamasdan ko

Lahat ng galaw mo

Gusto ko ay memoryado

Bawat detalye tungkol sa’yo

 

Iyang mga kamay mo

Na gustong gusto ko hawakan

Ang malambot na labi mo

Na nais kong halikan

 

Iyang mga ngiti mo

Na sa araw ko ay bumubuo

Ang tenga mong binging bingi na

Sa sigaw ng paos kong puso

 

Sa’yo iikot ang tema

Ng aking ginagawang istorya

Ikaw ang magiging bida

Lahat ito ay tungkol sa’yo sinta

Advertisements