May nakapagsabi sa akin ng isang kuwento

Napulot niya raw doon sa may kanto

Akala ko nga ako ay niloloko

Pero sabi niya totoo raw ito

 

Nang matapos niya isalaysay

Ang kuwentong wala namang saysay

Natawa nalang ako

Ang sarap kasi batukan ng taong ito

 

Alam mo ba ang kanyang sinabi?

Ikaw daw ay kanyang nakita isang gabi

May kasama ka raw na ibang babae

Kahalikan mo pa nga raw sa isang tabi

 

Pero mahal hindi ako naniwala

Kasi sa’yo ay malaki ang aking tiwala

Alam ko namang hindi mo iyon gagawin

Sa akin ikaw ay magtatapat din

 

Mahal, linawin mo naman sa akin

Hindi ko kasi maintindihan

Kung bakit ako nasasaktan

Sa tuwing papasok ito sa aking isipan

 

Sabihin mo naman sa akin

Na ang walang kwentang kuwento

Ay mananatiling walang kuwenta

Sapagkat hindi ito totoo

 

Teka lang mahal ko

Gumising na raw ako

Sa katotohanang naglolokohan lang tayo

Dahil hindi lang ako ang mahal mo

Advertisements