Gusto kitang mahalin ng paulit ulit

Hanggang sa mamanhid

Itong puso kong makulit

Na patuloy paring nagmamasid

 

Gusto kitang isipin kapag mag-isa na

Para ako namay mapagod na

Sa mga bagay na nagpapaalala sayo

Sa panahon na kasama ng ikaw ang isang ako

 

Turuan mo ko kung paano hindi kumapit

Sa mga damdaming patuloy paring nakasabit

Kanilang mga kapit ay patuloy na humihigpit

Sa tuwing alaala mo sa utak ko ay sisingit

 

Hayaan mo namang kumawala ako

Sa matinding pagkakakulong sayo

Para naman maranasan ko

Ang pag-ibig na tapat at totoo

 

Bitawan mo itong puso ko

Na pilit pa ring nagsusumamo

Na ako ay iyong balikan

Umaasang ikaw ay muling mahagkan

 

Kalimutan mo ako

Dahil kakalimutan na rin kita

Sabay nating bibitawan

Itong patay nating pagmamahalan

Advertisements