Kung tapos na ako magbilang hanggang sampu

Nakatago ka na ba?

Sana naman mahanap na kita

Dahil kung hindi ay itigil na natin ang laro

 

Kasi ang hirap na laging ganito

Ako lagi ang magiging taya

Kasi sa laro nating tagu-taguan

Ako ang magiging talunan

 

Dahil hinding-hindi ko mahahanap

Ang damdamin mong mapagpanggap

Advertisements