Merong Konsepto ng AKO

Pero walang ideya ng IKAW

At kailanman ay hindi totoo

Na ikaw lang ang kaya kong matanaw

Matanaw ng mga matang malabo na

Mga matang wala ng pag-asa

Parang ako nung minahal ka

Isinantabi na animo’y lumang manika

May ikaw pero hindi sa akin

May ako pero hindi sa’yo

Hinding-hindi magiging sa’yo

Dahil lahat ng sakit na dinanas ko

Ikaw ang dahilan, ikaw ang multo

Multong gabi-gabi akong dinadalaw

Laging pigil ang aking mga sigaw

Dahil para sa akin ay tapos na

Tinapos na nang iwan mo akong mag-isa

Ngayon ay mayroon nang AKO

Ako lang at hindi TAYO

May ako pero walang ikaw

May ako at wala nang ikaw

Advertisements