Yung tawa mong nakakarindi

Ngayong wala ka ay sa katahimikan nabibingi

Yung mukha mong napakaamo

Ngayon ay tinititigan nalamang sa litrato

 

Ang mga labi mong kay sarap halikan

Magagawa nalang siguro ito sa unan

Yung yakap mong napakahigpit

Hindi na maramdaman dahil sa luwag na ang kapit

 

Kailan ka nga ba babalik

Balikan mo naman itong puso kong sabik

Hindi na magpapanggap

Presensya mo pa rin ang hanap-hanap

 

Napapaisip ako sa t’wina

Namimiss mo kaya ako pag ika’y nag-iisa?

Tumatakbo kaya ako sa iyong isipan?

Ako kaya’y iyong napapanaginipan?

 

Pero mas lamang kasi na isipin

Na ni minsan, mamiss ako’y hindi mo naisin

Ngunit tanggap ko naman sa aking sarili

Kailangan lang siguro ikaw ang magsabi

 

Itong pagpupuyat ko ay walang silbi

Kung hindi ka nakakausap pag sasapit na ang gabi

Itong pagkamiss sa iyo ay walang silbi

Kung sa akin nama’y ika’y walang paki

 

Miss na kita

Sana miss mo rin ako

Advertisements