“Kailan ko pwedeng sabihing ‘tama na’?”

Naiiyak kong sambit nang simulan kong titigan siya sa mata. Nanginginig sa lamig dahil sa lakas ng ulan at nasa gitna kami ng kalsada. Paulit-ulit ko itong sinabi.  Pahina ng pahina ang bawat salitang lumabas sa aking labi. Habang patuloy kaming nababasa ng ulan, bigla na lamang siyang napaluhod at ito ay kanyang nasabi,

“Huwag naman ganito.”

Hindi ako maka-isip ng posibleng istorya na pwedeng ibigay sa dalawang ito. Hindi ko alam kung wawakasan ko na ba na maghihiwalay sila dahil sa hindi magandang relasyon o kaya naman ay itutuloy ko pa ang kuwento sapagkat kaya ko pa naman pigain itong utak ko at bigyan sila ng magandang pagtatapos. Ngunit paano ko sisimulan. Saang aspekto ng paggawa ng kuwento ko kukuhanin ang bawat hugot na maaaring maging solusyon sa wala nang saysay nilang pag-iibigan? Siguro maganda na yung ganyan lang. Walang sisisihin kung sino ang may mali. Walang pwedeng sabihin kasi hindi nila alam ang buong kuwento. Tinapos ko na ang storya nila sa eksenang ito. Dahil kahit papaano, walang sino man ang makakahusga sa kung ano man ang kanilang naging kuwento,

Advertisements