Kaliwa’t kanan

Ano nga bang kahihitnan

Dalawa kaming magdadala sayo

Sa destinasyong ikasasaya mo

 

Pero hindi pala agad madadala

Sa kasiyahan na iyong pasya

Kailangan mo munang maranasan

Ang madapa at masaktan

 

Dala namin ang timbang mo

Pasan ang buong katawan mo

Ngunit trabaho namin ito

Hindi pwedeng magreklamo

 

At ang trabahong ito

Ang nagbibigay kahulugan sa amin

Itong mga paa mo

Ay mayroon ding layunin

 

Huwag kang magalala

Kami na ang bahala

Lugar kung saan ka sasaya

Doon tayo pupunta

Advertisements