Ano nga ba ang gamot sa matinding sakit sa tiyan?

Pero bago yon dapat alamin mo muna ang dahilan

Kung bakit labis na sakit ang iyong naramdaman

Para mas madali malaman at maintindihan

Ang sakit na di malunasan at maibsan

Sa tingin ko naman ay nakuha ko na ang sagot

Kanina kasi may bigla na lamang kumirot

Kirot na para bang nanunuot

Nanunuot na para bang hininga ko ay nalagot

Sakit sa puso ang naging gamot

Nakita kita na kasama siya

May ngiti at halakhakan pang kasama

Siguro nga ay masaya ka sa kanyang kompanya

Wala akong magawa kundi manahimik nalang muna

Sakit sa dibdib ay biglang naramdaman

Sakit sa tiyan ay napalitan

Hindi ko naman pala talaga kailangan

Ng gamot para sa kung ano ang nasaktan

Sapat nang makita kayong masaya at nagtatawanan

Hindi man naibsan ang sakit na nadarama

Itatago nalang ang sakit sa likod ng ngiti sa mukha

Advertisements