Ano kayang pakiramdam na magkaroon muli ng isang IKAW sa buhay ko? Hanggang ngayon nangungulila pa rin ako sa mga yakap mo. Hindi pa rin ako makalimot sa lahat ng nangyari. Sariwa pa sa aking isipan lahat ng masasayang alaala. Hindi ko nais ang masaktan at maranasan lahat ng sakit na ito sa panahong kailangan na kailangan kita. Bakit ba kailangan mong lumisan pa?

Gusto ko sisihin sarili ko. Sa lahat ng nangyari sa’yo. Pero sa totoo lang, hindi ko naman sinasadya eh. Wala naman sigurong tao ang gustong mawala ang taong mahal na mahal nila. Nang malaman ko na iiwan mo  na ako, hindi ko mapigilan ang matulala. Naramdaman ko na lamang na unti-unting pumatak ang aking luha. Nagmaka-awa ako, hindi ko kasi alam paano haharapin ang bukas na hindi kita makikita o makakasama. Nagdasal din ako ng mataimtim sapagkat umaasa ako na ako ay Kaniyang papakinggan. Ngunit wala namang makakapigil kung oras mon a at gugustuhin mo na ang lumisan.

Siguro nga, ito na ang tamang panahon para matutong tanggapin ang lahat ng nangyari. Dapat ko na rin tanggapin ang lahat ng masasakit na alaala na iniwan mo. Handa na akong harapin ang lahat ng tao at masabi sa kanila na kaya ko na. Kaya ko na ng wala ka. Aking mahal na ama, sana masaya ka na kapiling Niya.

 

Kung may pagkakataon na mayakap sya

at masabi ko na mahal kita ama

awiting to ay alay ko sayo

mahal na mahal,

mahal kita o aking ama.”

Advertisements