Nakatayo sa gitna ng kawalan

Doon sa lugar kung saan mo ako iniwan

Lumalabo ang aking paningin

Luha’y namumuo sa bigat ng damdamin

 

Tumila na pala ang ulan

Lumalabas na ang mga bituin

Naglalakihan, nagkikislapan

Ngunit ika’y wala pa rin

 

Siguro nga hindi na babalik

Iniwan na ang puso kong sabik

Sana’y ikaw ay maging masaya

Sa buhay na hindi ako kasama

Advertisements