Paano ko ba sisimulan?

Ang ikumpara ang tulad mo sa buwan

Sisimulan ko ba sa ilaw?

Kumbaga ikaw ang nagbibigay tanglaw

 

Hindi ko rin talaga alam anong kahihinatnan

Ginawa ko lang siguro ito para maiba naman

Pero bakit nga ba naisip ito?

Siguro’y may nais lang iparating sa’yo

 

Ang buwan ay may sariling liwanag

Iyon ang pagkakaalam ko

Ito’y nagiging gabay

Sa madilim na gabi gaya nito

 

Pero bakit unti-unting binasag

Ng Agham ang nalalaman ko

Wala pala talagang sariling liwanag

Ang buwan na gabi-gabi kong naaaninag

 

Ngayon alam na kung bakit ka ikinumpara

Sa buwan na tuwing gabi ko lang nakikita

Hayaan mong ipaliwanag ko sa’yo

Gamit ang maikling tula na’to

 

Mahal, para kang buwan

Sa paglabas ay inaabangan

Ang kagandahan mong taglay

Marami ang naghihintay

 

Sa gabi ikaw ang nagsisilbing ilaw

Ilaw na kinukuha mo sa araw

Sandali, sa tulang ito ako nga pala ang araw

Ang kinukuhaan mo ng liwanag

Para tunay mong mahal ay iyong maaninag

 

Advertisements