Hawak ko ang lapis at papel

Sumusulat nanaman ng isang kuwentong magsasalarawan

Sa pag-ibig na kailanman

Hindi magiging masaya ang laman

 

Unti-unting nabuo ang mga salita

Unti-unting nabuo ang kuwento

Nitong dalawang tao

Na sa huli pala ay magkakalayo

 

Kahit sa isang kuwento

Tila hindi ako makalimot

Sa ating tagpong masalimuot

Na labis pa ring dinaramdam ng puso

 

Sa pagsulat ko ng katapusan

Hindi na sana maramdaman

Sakit na nakaraan

Pilit kong kalilimutan

Advertisements