Gustong – gusto ko kapag naglalakad ako

Doon ko kasi nararanasan ang hamunin ang sarili ko

Yung tipong dapat makarating ako sa paroroonan ko

Gustong – gusto ko kapag naglalakad ako

Kasi alam ko na ang destinasyon ko ay papunta sa’yo

Alam kong balewala yung pagod at init

Basta ba ang huling hantungan ay sa piling mo

Gustong – gusto ko kapag naglalakad ako

Lalo na kung magkasama tayo

Kasi parang bumabagal ang oras

At ito’y nangyayari madalas

Lahat ng kwentuhan, tawanan, istorya

Lahat ito pilit kong inaalala

Dahil kapag naglalakad kasama ka

Asahan na buong atensyon ko ay nasa’yo na

Pero sabi nila nagsasayang ako ng oras

Kasi pwede naman daw ako makarating sa’yo

Na hindi napapagod o naiinitan

Pero naniniwala kasi ako na

Kapag pinaghirapan ko papunta sa’yo

Baka mas mahirap din para sa’yo ang pakawalan ako

Baka sakaling magpakapagod ka rin para sa’kin

Baka sakaling gustuhin mo rin maglakad

Maglakad palayo kaysa tumakbo

Maglakad para mas mabagal

Mabagal marating ang destinasyon

Destinasyon na hindi ako ang nasa dulo

 

Advertisements