Hinding-hindi na ako pipila

Dahil ayaw ko nang maranasan pa

Ang bulok niyong sistema

Kahit pa sabihin nila

Na maling oras ang aking napili

Hindi pa rin tanggap ang nangyari

Ikaw na nga ang maagang dumating

Ikaw rin pala ang huli sa mga aalis

Bibigyan ka ng numero

Na sa huli ay katakataka ang saysay nito

Kahit pa siguro ako ang uno sa numero

Mas mauuna pang matapos ang dumating na ng alas kwatro

At ang mga taong sumingit

Hindi man lang nakonsensya

Imbis na manahimik

Kanila itong ipinagmamalaki pa

Mga nakasimangot lahat ng empleyado

Pagmamaganda lang ang alam nito

At ang mga bwisit na kasabay mo sa pila

Kung hindi nakatiis ay nahampas mo na sana

Laging paalala ng aking ina

Maging mabuting mamamayan ng bansa

Ngunit kung ganito ang ating sistema

Hindi ba’t gugustuhing sumaway muna

Ngunit mas pinairal namin

Maging mabuting mamamayan pa rin

Hihintayin ko ang pagbabago

Pero sa ngayon?

Hinding-hindi na ako pipila

Diyan sa bulok niyong sistema

Advertisements