Utak ko ay nananatiling blanko

Walang tula ang bumabagabag dito

Ilang araw na ring ‘di nagsusulat

‘Pagkat hindi ko na maidilat

Mga matang dapat ay nakikita

Ang pag-asang wala na

Pag-asang naglaho na

Kasi hindi naman ako tanga

Alam ko namang nahulog ka na sakanya

Hindi ako mananatiling naghihintay

Ito na oh, uunahan na kita

Ako na ang magsasampal sa sarili

Ng katotohanang hindi mo masabi

Hindi ko alam bakit nasasaktan ako

Kasalanan ko naman din kasi

Hindi ko sinabi sa’yo

Pero baka nga kasalanan mo rin

Kasi hindi mo naramdaman

Itong pagmamahal na inaalay ko

Naiinis ako

Kasi kahit ang sakit na

Ito ako

Ika’y mahal pa

 

Advertisements