Gusto ko kinabukasan

Ikaw agad ang una kong makikita

Para naman ni minsan

Maranasan ko kung ano ang ibig sabihin

Ng magandang umaga

Gusto ko kinabukasan

Tinig mo ang aking unang maririnig

Dahil mas kalmado pa sa mga ibon ang ‘yong tinig

Gusto ko kinabukasan

Hawak ko na ang mga kamay mo

Para maramdaman ko

Ang pagiging protektado

Gusto ko kinabukasan

Hindi ka nalang isang alaala

Dahil mas gusto kong kasama ka

Gusto ko kinabukasan

Mangyari na ang lahat ng ‘to

Dahil hindi ko na kaya

Ang maghintay pa

Ng susunod na kinabukasan

Advertisements