Iyang mga titig mo

Ang kinababaliwan ng puso ko

Ang matamis mong ngiti

Hinahanap hanap ng mata ko.

 

Paano nga kaya ano?

Kung magkakilala tayo

Pero sa kapal ng tao sa mundo

Imposibleng makita mo ako.

 

Umaasa ako na isang araw

Ako’y ‘yong matatanaw

Baka sakaling ako ang laan sa’yo

Sa bilyong-bilyong tao sa mundong ito.

Advertisements