Nasanay ako sa umagang ikaw ang bungad sa harap ko

Nasanay ako na laging kang nandiyan kapag kailangan ko

Pero ngayon hindi ko na alam kung anong gagawin ko

Sana naman ay sabihin kung paano malalagpasan ‘to

 

Hindi ko pala kaya na gumising isang umaga

Tapos malalaman ko wala ka na

Pero mas hindi ko pala kaya

Ang tumayo ng mag-isa dahil ako’y nilisan na

 

Hindi pa naman siguro tapos ang lahat

Kaya pa naman siguro pag-usapan

Gagawin ang lahat upang maging sapat

Ang pag-ibig na sa tingin mo ay wala nang patutunguhan

 

Pero nakagawa na ng desisyon

Kaya wala na akong magagawa

Kailangan ko na ulit magsimula

Ng buhay na hindi ka kasama

Advertisements