Pinilit ko lumayo

Sa lahat ng sakit

Sa lahat ng paulit-ulit

Sa lahat ng ‘to

Sinubukan kong tumayo

Sa sariling paa

Ng mag-isa

Walang tulong ng iba

Ngunit aking napagtanto

Hindi ko kaya

Tumayo sa sariling paa

Bumangon ng mag-isa

Walang sino man ang kayang mag-isa

Kasi kailangan natin ng kasama

Upang ilabas ang sakit

Upang malabas ang hinanakit

Kailangan pa rin talaga kita

 

Advertisements