Hindi ko alam pero

Nahanap ko ang sarili na tila nakatingin sa isang libro

At listahan ng gamot ang nilalaman nito

Para bang may hinahanap ako

Mayroon akong naramdamang kaginhawaan

At para bang itong gamot ang dahilan

Gusto ko lang talaga malaman

Para sa susunod ay mapaghandaan

Tapos aking napagtanto

At bigla ring napalakas ang tawa ko

Hindi pala gamot ang hinahanap ko

Kundi mismong pangalan mo

Ikaw na para bang lunas sa lahat

Pang-iwas sa lahat ng bawal at di dapat

Ikaw na nag-alis ng sakit

Hindi akalaing ikaw din ang rason ng malaking hinanakit

Advertisements