Dahil mahal pa rin kita…

 

Babalik at babalik ako

Sa mainit na haplos mo

Sa dahan dahang hagod nito

Sa tuwing nanlulumo ako

 

Hahanap-hanapin ko

Ang mga yakap mo

Na pinagdidikit-dikit

Ang sarili kong puno ng hinanakit

 

Pilit kong susundan

Ang boses mo na kung saan

Aking unang naramdaman

Ang panatag na kalooban

 

Paano kung bibitawan na kita…

 

Ilalayo ko muna ang sarili ko

Iiwas sa lahat ng makakapagpaalala sa’yo

Ibabasura ang alaala mo

Tatapusin ang koneksyong nabuo

 

Sarili ko muna ang pipiliin ko

Sa’kin muna ang pagmamahal ko

Tatanggapin ang katotohanan

Dapat inunang mahalin ang sarili noon pa man

 

Babangon ako

Sa lahat ng sakit na naidulot mo

Bibitawan ang nakaraan ko

Magsisimula ako ng panibagong yugto

 

Unti-unting mapapalitan ang DAHIL ng KAHIT

Mababago ang PAANO ng SIGURADO

 

at sa huli ay lakas loob kitang sasabihan na

 

Kahit mahal pa rin kita, Sigurado akong kailangan na kitang bitawan

Advertisements