May mga sandali na pipiliin mo ang kawalan

Dahil dito sa mga sandaling ito mo mararanasan

Kung ano nga ba ang punto ng pananatili

Sa posisyon na harap-harapan kang hindi pinili

Maraming tanong ang iikot sa iyong isipan

Guguluhin ang minsan nang panatag na kalooban

Dahil ngayon ay iba na ang sitwasyon

Sa salitan ng pag-ibig ay wala na siyang tugon

Itatanong mo ng pauli-ulit

Hininga mo ay pilit na maiipit

At kahit na anong pilit

Alam mo sa sariling hindi na siya babalik

Ihanda mo na ang pamamaalam sa kaniyang matamis na halik

Sapagkat patuloy ka na lamang na dito’y masasabik

 

Advertisements