At pilit kong pinipiga ang aking utak

Hinahanap ang mga alaalang tumatak

Hinahanap ang mga salitang bumaon

Nagbabakasakaling narito pa hanggang ngayon

 

Ngunit aking napagtanto

Naglaho na ng tuluyan ang mga ito

Simula nang napagdesisyunang limutin ka

Sumabay na rin pala ang mga alaala

 

Ngayon ay pilit kong pinipiga ang aking uatk

Pilit kong pinapatibok ang aking puso

Pinipilit ko ang sarili na may maramdaman

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ako makaramdam

 

Nakatitig ako ngayon sa blankong papel

Gusto kong magsulat ngunit walang maisip

Hindi ko mahanap ang mga salita

Hindi rin siguro nila ako mahanap

 

Wala na

Tama na

Tapos na

Abante na

Advertisements